Lunes, Marso 19, 2012

Ang Panimula: Ano ang Kasaysayan?

Ang kasaysayan o historya ay ginagamit bilang isang pangkalahatang katawagan para sa impormasyon tungkol sa nakaraan, katulad ng "heolohikang kasaysayan ng daigdig". Kapag ginagamit bilang pangalan ng isang pinagaaralang larangan, tinutukoy ng kasaysayan ang pag-aaral at pagpapaliwanag ng mga nakatalang lipunan ng tao.